Tuesday, March 24, 2020

ANO ANG DAPAT PALAKASIN? (Indie music at hindi ang mainstream OPM)

(Published on Philippineone.com a blogsite about positive change, connection, a conduit by which free stream of ideas and designs for change can flow incessantly. We aim to enthusiastically REBUILD a nation that is ripe for RECONSTRUCTION and REFORMATION. Dec 25, 2019 by Ravenson Biason.)





(Also published on afiilipinosong.com, December 25, 2019)





Ano ang dapat palakasin? Ang indie music and mainstream OPM?





Ang dapat palakasin ay ang kapangyarihan ng bawat Pilipino sa industriya ng musika, upang makapagdesisyon ng sarili para maitahak ang tamang direksyon ng musikang Pilipino. Dapat palakasin ang ekonomiyang istruktura sa musikang pilipino upang maitaguyod ang musikerong Pilipino sa sarili nitong kakayahang pangpinansyal.





Kailangan palakasin ang mga organisasyon sa musika na tunay na nagtataguyod sa kapakanan ng mga musiko, kaugnay sa mga pangangailangang pangkaligtasan, kalusugan at karapatan. Kailangan palakasin ang mga oportunidad sa lahat ng larangan ng media para marinig ang musikang Pilipino, bago man o luma.





Hindi dapat palakasin ang musikang matagal nang malakas at naghahari sa ere, at malaki na ang kinita ng mga nasa mapang-aping mga istruktura na tumatapak sa mga maliliit na mga musiko, mga-aawit at kompositor.





Hindi dapat palakasin ang mga organisasyon na matagal nang naghahari sa industriya at hindi man nakakatulong sa mga musikerong nagkakasakit, nakandamatay na o tumanda na ng wala man lang pagkilala sa kontribusyon sa industriya. Hindi dapat palakasin ang mga organisasyong nagpapanggap na kumakatawan ng nakararaming musiko, mang-aawit at kompositor at patuloy na naglalahad ng mga huwad na programang hindi naman nakakatulong sa mas nakararaming kalahok sa industriya ng musika.





Maging mulat sa katothanan. Ito ay isang maiking mensahe ng INDIEPINOY sa Musikang Pilipino. INDIEPINOY- EMPOWERING THE INDEPENDENT FILIPINO ARTISTS.

No comments: